Gabay para sa mga Baguhan sa Rekording

From Librivox wiki
Revision as of 12:20, 14 October 2022 by TriciaG (talk | contribs) (→‎Software)
(diff) ← Older revision | Latest revision (diff) | Newer revision → (diff)
Jump to navigationJump to search

Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Ingles
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Portuges
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Espanyol
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Pranses
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Aleman
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa:: Olandes

Ang gabay na ito ay para matulungan ang mga boluntir na makapagsimula sa proseso ng pagrerekord. Naiintindihan namin na ang kaalamang pang-teknikal ay sa mga nagboboluntir ay iba-iba, kaya naman sinubukan naming maging malinaw at komprehensibo ang gabay na ito.


Paghahanda

Para makapag-rekord, kakailanganin mo ng mikropono at rekoring software. Ang karaniwang rekoring setup na ginagamit ng karamihan sa mga boluntir sa LibriVox ay isang USB mic na nakasaksak sa isang kompyuter na gumagamit ng Audacity, isang libreng audio program.

Hardware

Pangunahing artikulo: Kagamitang inirerekomenda ng mga gumagamit (Ingles)
Para makapag-rekord, kakailanganin mo ng kompyuter at gamit pang-rekord, maaaring ito ay isang mikropono na nakasaksak sa iyong kompyuter o isang digital recorder.

  1. Mikropono: Ang mikropono ay maaaring digital o analog. Ang isang analog na mikropono ay isasaksak sa sound card (iyong isinasaksak sa bilog na jack na kulay rosas). Ang perpormans ng mic ay maapektuhan ng kalidad ng iyong sound card. Ang isang digital mic ay isinasaksak sa USB port at hindi na dumadaan pa sa sound card, na s’yang magbibigay sa’yo ng mas magandang kalidad ng tunog.
    1. Desktop Microphone: Ang isang desktop microphone ay nakalagay sa iyong lamesa. Marahil ang pinakamura na mic na pinakaginagamit sa LV ay ang Logitech USB desktop microphone (PN 980186-0403) na nagkakahalaga ng $30US – pinakasulit sa presyo!
      Opinyon: Ang tunog ay mas digital at hindi masyadong buo kaysa Samson na mikropono ($50-90), pero hindi ito gannon kaganda at kagaspang gaya ng headset na model.
      Ang Samson mic ay isang popular na “upgrade” sa mga boluntir na gustong-gusto ang pagrerekord.
    2. Headset microphone: Ang Logitech headsets ay ang pinakaginagamit na modelo (lalo na ang 250 for ~$40US; at ang 350 for ~$50US; ang mga modelo ay dumadami). Ang ilang mga modelo ay kagulat-gulat na hindi komportableng suotin (ang 250), pero may mga taong gusto ang ginhawa ng headset para panatilihin ang karampatang distansya at hindi na ginagamitan ng kamay.
      Opinyon: ang tunog ay hindi gaanong maganda kumpara sa mas murang desktop mic ng Logitech. Kung mayroon kang sobrang pera, pag-isipang gamitin ang mas mataas na kalidad ng Samson mic.
  2. Digital Recorder: Kung nais mong gumamit ng Digital recorder, tignan palagi ang format na sinusuportahan nito. Kung kinakailangan pang ilipat ang ang mga files sa isang audio editor para sa editing, kailangan mong siguraduhin na ang format sinusuportahan ng iyong editing software. At isa pa, ang recorder ay dapat na makapagbigay ng magandang audio quality.

Software

Pangunahing artikulo: Audacity 1-2-3 (Ingles)

Karamihan ng mga boluntir ng LV ay gumagamit ng Audacity.

  • Mangyari lamang na kunsultahin ang Audacity 1-2-3 para sa isang gabay upang matulungan ka sa pagkakasunod-sunod ng gawain: pagda-download, pag-iinstall at pagsusulit sa Audacity gamit ang unang rekording. Ung mayroon kang built-in mic, subukang gamitin ito. Kung umorder ka ng mikropono online at hinihitay mo na lamang ito, maaari ka ng magdownload at mag-install ng Audacity habang hinihintay ang pagdating ng iyong mic.

Ang ilang mga boluntir ay gumagamit ng TwistedWave,o Wavepad.

Tingnan ang Software We Use para sa iba pang rekomendasyon at tips tungkol sa software na meron ka.

PAALALA: Maraming tao ang nag-aalala na sila ay hindi ganoon ka-teknikal para magawa ang pagrerekord. Pero hindi iyon ganoon kahirap – dahil kung ganoon ay hindi dadami ng ganito ang mga gumagawa noon! Malaking bahagi ng lahat ng LibriVox volunteers ay walang kaalamang pang-teknikal bago nagsimula. Ang ibang tao ay gumagamit ng kaibang setup para sa rekording, ngunit ang gabay na ito ay magpo-pokus sa pinakamabilis na paraan ng pagrerekord para sa LibriVox – pagrerekord sa kompyuter, pag-eedit sa kompyuter at pagpapadala ng mga file gamit ang internet.

Pangunahing Pagsusulit

Pangunahing artikulo: 1-minutong-pagsusulit (Ingles)

Bago mo gawin ang iyong unang mahabang rekording, ipinapayo naming na magekord ka ng 1-minutong-pagsusulito kaya ay mag-post ng kontribusyon sa Weekly Poetry, o sa Short Poetry Collection. Ito ang magbibigay sa amin ng paraan para nigyan ka ng mabilis na feedback, para siguraduhin na ang lahat ay tama.

Kung nangangailangan ka o gusto mo ng feedback sa iyong teknikal na setup, magandang magsumite ng 1-minutong-pagsusulit sa Post Your 1-Minute Test Recording Here na subforum para sa isang nakabubuting kritisismo (constructive criticism)(CC).

[[1]]Ito ang isang maikling video “How to Upload Your 1-Minute Test” na matutulungan kang mag-upload pagkatapos mong gumawa ng rekording.

Pagpapatala

Kaugnay na paksa: Forum Guide

  1. Basahin ang sub-for a sa seksyon na “Books (Volunteer for Reading & Other Things)” para makahanap ng pinagtutulungang proyekto na nanagugustuhan mo. Marami doong pinagtutulungang proyekto na bukas pa sa pagtanggap ng boluntaryong mambabasa sa anumang oras, gabi man o umaga, sa maraming lenggwahe:
    1. Readers Wanted: Short Works and Poetry: Ito ay karaniwang kinapapalooban ng koleksyon ng mga tula o koleksyon ng Maiikling kwento, ngunit maaari ding kapalooban ng koleksyon ng Maiikling Misteryo, koleksyon ng Maiikling kwentong kababalaghan, koleksyon ng Maiikling kewntong hindi kathang-isip at marami pang iba. Sa karamihan ng koleksyon na ito, ang mga mambabasa ay pipili ng tula, kwento o sanaysay na kanilang nagustuhan para ibahagi.
    2. Readers Wanted: Books: Buong libro ang inirerekord ng maraming mambabasa, at maaari kang mag-kontribyut ng isa o higit pang kapitulo.
    3. Readers Wanted: Dramatic Works: ditto au may dula o madramang pagbabasa, at maaari kang mag-kontribyut sa cast.
  2. Matamang basahin ang unang post sa thread ng proyektong nagustuhan mo – ito ang naglalaman ng detalyadong instruksyon na kailangan sa proyekto, ipinapakita din nito ang mga seksyon o parte na maaari pang kunin.
  3. Pindutin ang “Post Reply” sa kaliwang itaas na bahagi ng iskrin. Ito ang magdadagdag ng post sa ‘thread’. Mag-iwan ng mensahe para sa Book Coordinator na naglalaman ng parte na gusto mong basahin, at balikan maya-maya para sa sagot. Ang Book Coordinator ay mag-iiwan sa iyo ng mensahe sa parehong paraan na s’ya’ng magsasabi sa iyo na matagumpay mong nakuha ang parte.

Paalala: Inererekomenda na huwag maglagay ng importanteng impormasyon sa Subject Line ng iyong sagot sa post. Mapapansin mong sa kabuuan ng forum, ang subject line ay napakaliit na halos hindi ito makita. Kunwari halimbawa, sa subject line mo nilagay ang iyong kukunin na kapitulo at hindi sa iyong post mismo, ang iyong Book Coordinator ay hindi maiintindihan ang iyong sinasabi.

  • Para sa karamihan ng mga koleksyon sa “Short Works” forums, hindi mo na kailangang mag-claim bago magrekord. Sundin lamang ang mga instruksyon sa unang post, pumili ng tula, kwento o sanaysay na iyong magugustuhan (basta ito ay nasa Public Domain).

Pagrerekord

Makalawang beses na siguruhin ang iyong rekoring setup Kung maaari ay sumandaling i-check ang iyong setup sa bawat pagrerekord na iyong gagawin. Ang mga kompyuter ay bumabalik sa nauna nitong setting at gumagalaw ang mikropono. Kadalasan may kailangan kang ayusin para makabalik sa iyong pinakamahusay na setup (ngunit hindi naman tayo naglalayon ng perpektong setup dito).

  1. Isaksak ang iyong mikropono bago buksan ang iyong rekoring software.
  2. Buksan ang iyong rekoring software.
  3. Tingnan ang iyong input volume at microphone selection.
  4. Makalawang tingnan ang iyong settings
  5. Magrekord ng kahit anong maikli (“Nakakapagpabagabag ang isang-daang salagubang kaya minikaniko ni moniko ang mikina ng makina ni monika”)
  6. Tingnan ang waveform
    1. Maliit ba ito? (lakasan ang input volume o magsalita mas malapit sa mic)
    2. Putol ba ito? (hinaan ang input volume o lumayo ng kaunti sa mic. Ang putol na waveform ay patag sa taas at baba – ang pagpuputol ay nagreresulta ng sirang tunog
  7. Pakinggan ang ginawang rekoring (magandang pakinggan ito sa headphone)
    1. Mayroon bang plosive? (ilagay ang mic kung saan hindi nito masasagap ang iyong hininga, maaaring sa taas, sa baba, o sa gilid)

Ihanda ang lahat ng teksto na irerekord Inirerekomenda naming na I-download mo ang teksto mula sa online link na inilagay sa pinakaunang post ng proyekto. Makakatulong na i–save sa iyong kompyuter ang teksto at magdagdag ng kahit anong impormasyon na kakailanganin mo sa pagbabasa; nakalagay naman sa itaas na post ng thread ang lahat ng kailangan mo. Pero mas madali kung mag-copy and paste ka ng lahat ng kailangan mo sa isang word document. Halimbawa:

  • Intro/Outro: Kabanata at titulo, LibriVox “disclaimer”, buong titulo ng libro at ang pangalan ng may-akda (at ng nagsalin, kung mayroon), numero ng kabanata at titulo nito, at iba pang importanteng impormasyon pang-intro. (Medyo iba ang intro sa mga tula) … teksto… Katapusan ng ganito at ganyan, atbp.
  • Personal na paalala, gaya ng kung paano bibigkasin ang isang hindi pamilyar na salita.
  • ID3 tag na partikular sa iyong binasa
  • paano mo papangalanan ang iyong nirekord na file
  • saan mo isesend ang iyong nirekord na file
  • lahat ng ito ay nasa pinaka-itaas na post ng bawat proyekto; kung meron kang hindi mahanap o hindi maintindihan, tanungin lamang ang Book Coordinator (BC) o kaya ang Meta Coordinator (MC)

Pagrerekord Kumuha ng isang baso ng maligamgam na tubig o tsaa at mag-enjoy. (Salamat sa pagrerekord para sa LibriVox!) Kapag sinunod mo ang mga hakbang sa taas, mayroon ka na ng lahat ng kailangan mo: lahat ng teksto, intro at outro, pati ang file specification (lahat ay nasa unang post).

  • Huwag kakalimutang i-save ang iyong nirerekord habang nirerekord mo ito – nakakalungkot at sobrang sayang ang pagod mo kung mawawala ang isang buong chapter dahl biglang mamamatay ang software na gamit mo (pwede kasing masyadong malaking temporary memory ang nagagamit mo habang nagrerekord), tapos tatlong talata na lang tapos ka na. Sayang talaga, sayang!
  • Importante: bumasa lamang mula sa authorized na teksto. Ang ibang edisyon ay maaari pang sakop ng copyright at umaasa kami na ang Public domain version lamang ang babasahin ng mambabasa (makikita iyon sa pinakataas na post ng proyekto).

TIPS: May mga bagay kang magagawa habang nagrerekord upang maging mas madali ang iyong pag-eedit pagkatapos.

  1. Kapag nagkamali ka, tapikin mo na tatlong beses ang mic or sumigaw ka ng “MALI !”. Tapos ulitin mo ang pangungusap kung saan ka nagkamali. Ang punto dito, gagawa ka ng malaking spike sa sound waves ng iyong editing software. Madali mo ngayong makikita kung saan ka nagkamali habang nag-eedit.
  2. Gumawa ng isang test rekoring para masiguro na ang iyong mic at editing software ay naka-set sa tamang volume bago magrekord ng teksto. Maaaring lakasan ang volume pagkatapos, pero kasamang mapapalakas nito ang background na ingay.
  3. Huwag mong hayaan na matigil ka sa pagrerekord. Kung kailangan mong uminom, hayaan mong nakaandar ang iyong rekoring software. Kailangan mong i-clear ang iyong lalamunan? Hayaan mo lang ang pagrerekord para magkaroon ka ng isang mahabang track. Makakaiwas ka sa pagkakaiba-iba ng kalidad ng tunog o lakas ng volume. Kapag tumigil ka at bumalik maya-maya, pwedeng mahalata ng nakikinig na tumigil ka at nagsimula lang uli.

I-click ang link na ito para sa karadagang tips upang Bumuti ang iyong pagrerekord.

Pag-e-Edit

Pangunahing artikulo: Audio Processing Concepts at Editing Audio
Paki-tingnan din ang: Audacity Tutorials at Audacity FAQ para sa tutorial sa pag-e-edit.

Magkakamali ka sa iyong pagbabasa, walang duda iyon. Pero huwag kang mag-alala masyado sa iyong mga mali habang nagrerekord, dahil pwede naman silang i-edit. Pwede mo ring baguhin ang iyong volume at magtanggal ng maliliit na background na ingay sa proseso ng pag-e-edit.

  • Pag-e-edit ng Audio: I-edit ang mga mali at mahahabang pagitan
  • Pagpo-process ng Audio: Ito ay tumutukoy sa mga filter at effects na inilalagay sa buong track o sa isang parte nito na nagpapabago sa tunog ng rekording. Paalala: para sa iyong unang 1-Minutong-Pagsusulit, mas magandang isumite ito ng hindi pa napo-proseso, para ang mga makikinig ay maintindihan ang iyong sitwasyon at lugar na pinagrerekordan. Bibigyan ka nila ng abiso kung ano ang pagpo-proseso na pinakamaganda mong gawin sa iyong rekording.

Mga bagay na dapat tingnan:

  • Mayroon bang ugong sa background? Linisin ang ingay sa background.
  • Ang rekording mo ba ay sakto na sa lakas? I-amplify ang iyong rekording kung ito ay masyadong mahina.
  • Pantay ba ang volume sa iyong rekording? I-lebel ang iyong rekording para magpantay ang volume.

Madalas, ang mga mambabasa na din ang nag-e-edit ng kani-kanilang rekording. Maraming benepisyo ang nakukuha mula doon, bukod sa halatang naayos mo ang file: habang dumadami ang iyong inirerekord at ini-edit, makikita mong nagbabago ang iyong paraan ng pagbabasa, maging ang iyong setup sa pagrerekord (na halos hindi mo mamamalayan) na mas magpapa-enjoy sa’yo sa hinaba-haba ng proseso.

  • Tingnan ang Audacity Tutorials para sa basic editing sa Audacity, isang libreng rekoring/editing software na ginagamit ng karamihan ng mga LibriVoxers.

Pag-e-export

Kapag ikaw ay masaya na sa iyong nirekord, oras na para ito ay i-export, o i-save ito bilang mp3. Para magawa mo ito, dapat mayroon kang LAME plugin na naka-install. Sa Audacity, magkakaroon ka nito kung gagawin mo ang mga sumusunod:

  1. Pumunta sa File > Export... at lalabas ang isang dialog box
  2. Mamimili kung saang folder mo gistong ilagay ang iyong file.
  3. I-type ang file aname. Siguraduhin lamang na susundin mo ang eksaktong format na inilagay sa unang post. Gumamit ng maliliit na letra at huwag na huwag gagamit ng patlang sa file name.
  4. Kung gumagamit ka ng Audacity 1.3, i-click ang Options... at siguraduhin na tama ang iyong settings sa pag-e-export:
    - Bit Rate Mode: Constant 
    - Quality: 128 kbps
  5. I-click ang Save
  6. May lalabas na dialog box, para makapaglagay ka ng ID3 tags. Iwanang blangko ang mga patlang na ito.
    1. I-click ang OK

Pagkatapos magsisimula na ang Audacity sa pag-e-export na maaaring tumagal ng ilang minuto.

Pag-a-upload

Pangunahing artikulo: How to Send Your Recording

Basta hindi kinailangan ng proyekto ng ibang paraan, mangyari lamang na gamitin ang LV Uploader:

http://librivox.org/login/uploader

(Kung ikaw ay nahihirapan sa pagbasa sa imahe sa itaas, paki-message na lang ang admin)

  • Bago ka mag-upload, kakailanganin mong pumili ng project MC name mula sa listahan para mapalagay sa tamang folder ang iyong file. (Iyon ay ang Meta-Coordinator, MC, at hindi ang Book Coordinator o BC – maaari kasing dalawang magkaibang tao iyon) Kung ikaw naman ay magsesend ng test file, sundin ang direktibo ang iyong BC o panganlan ito ng iyong pangalan.mp3 at piliin ang "xx - Non-project files" mula sa drop-down na listahan ng mga MC
    • Paano malalaman ang MC ng isang proyekto: Ang bawat titulo ng proyekto ay may initials ng MC sa dulo. Halimbawa: “[SCIENCE] The Voyage of the Beagle by Darwin - ks" Hanapin ang initials na iyon sa drop-down menu (sa halimbawang ito, ks – gypsygirl)
  • Kapag tapos na ang pag-a-upload, ang link ng iyong file ay lalabas.

Pagpo-post

Pagkatpos kang bigyan ng link ng iyong uploader, kailangan mong i-copy ang link at i-post ito (bilang reply) sa project thread para malaman ng iyong Book Coordinator na tapos ka na. Kung maaari ay iwasan ang pagsesend ng link sa BC o sa MC bilang private message. May mga taong kasing kailangang pakinggan ang iyong file at i-catalog ito. Kapag nagpo-post ng link, huwag kalimutang isama ang numero ng section na iyong ginawa (kung marami kang kin-laim na section) at ang haba ng file, minuto at segundo.

Kung ito ang iyong unang kontribusyon, ipaalam sa BC kung paano mo gustong ikaw ay mapakilala sa pahina ng catalog, o iyong website kung gusto mo itong isama.

Pag-e-edit pagkatapos ng pagpu-prooflisten

Pangunahing pahina: Guide for Proof-listeners

Ang lahat ng rekording ay ipinu-“prooflisten” para mahuli ang mga pag-uulit, biglang tigil at mahahabang patlang. Sa mga ispisipikong proyekto ang rekording ay chine-check ayon sa teksto. Ang mga napansing iregularidad ay ipo-post ng “proof-listener” sa project thread o sa tiyak na prooflistening thread para sa proyekto. Bantayan ang estado ng iyong rekording sa “Magic Window” ng iyong proyekto maya’t-maya.

  • Kapag ang Proof-Listener ay nakakita ng kamalian, ang kanyang mga nahuli ay ilalagay dito. Paki-edit ang iyong rekording at isumite ulit ang bagong bersyon.
  • Kapag ang iyong rekording ay minarkahan ng “PL-OK” or kaya “OK” lang, ibig sabihin pwede nang s’yang i-catalog kapag tapos na ang buong proyekto. Wala ka ng dapat gawin.

Mabilis mong matututunan ang pag-e-edit mula sa mula pinakahuli hanggang sa pinaka-una – sa gayon, ang timecode notes ay mananatiling tama habang itinatama. Kapag ang buong proyekto ay kumpleto na, ito ay ika-catalogue. Syempre gusto mong malaman kung anong nangyari sa sinend mo na file sa coordinator. Narito ang overview ng LibriVox rekoring process at iba pang magagamit na impormasyon.

Pagkatapos Ng Iyong Unang Kontribusyon

Ayan na! Nakapag-contribute ka na ng rekording! Kung nag-enjoy ka sa paggawa niyon, bumalik ka para gumawa pa ng iba. Ito ang mga maaaring mong gawin ngayon:

  1. Mag-contribute ng iba pang section sa isang pinagtutulungang proyekto, iyon din ‘yong ginawa mo noong una.
  2. Maglunsad ng sarili mong proyekto – tingnan ang New Projects Launch Pad. Basahin ang mga stickies para sa detalye kung paano ito gagawin. Ito ang iyong mga pagpipilian:
    1. Going Solo: magrekord ng isang buong libro. (Paalala sa mga unang magrerekord) Ang pagbabasa ng isang buong libro, sa napag-alaman namin, ay mas matagal gawin kesa sa iniisip mo. Kaya naman inererekomenda namin na magbasa ka muna ng isang kabanata sa isa sa mga pinagtutulungang proyekto bago ka gumawa ng solong proyekto.)
    2. Maging isang Book Coordinator para sa isang pinagtutulungang proyekto: libro, dula or koleksyon ng maiikling lathain. Tingnan ang How To Become A Book Coordinator.