Gabay para sa mga Baguhan sa Rekording
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Ingles
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Portuges
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Espanyol
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa : Pranses
Ang gabay na ito ay mababasa din mula sa:: Olandes
Ang gabay na ito ay para matulungan ang mga boluntir na makapagsimula sa proseso ng pagrerekord. Naiintindihan namin na ang kaalamang pang-teknikal ay sa mga nagboboluntir ay iba-iba, kaya naman sinubukan naming maging malinaw at komprehensibo ang gabay na ito.
Paghahanda
Para makapag-rekord, kakailanganin mo ng mikropono at rekoring software. Ang karaniwang rekoring setup na ginagamit ng karamihan sa mga boluntir sa LibriVox ay isang USB mic na nakasaksak sa isang kompyuter na gumagamit ng Audacity, isang libreng audio program.
Hardware
Pangunahing artikulo: Kagamitang inirerekomenda ng mga gumagamit (Ingles)
Para makapag-rekord, kakailanganin mo ng kompyuter at gamit pang-rekord, maaaring ito ay isang mikropono na nakasaksak sa iyong kompyuter o isang digital recorder.
- Mikropono: Ang mikropono ay maaaring digital o analog. Ang isang analog na mikropono ay isasaksak sa sound card (iyong isinasaksak sa bilog na jack na kulay rosas). Ang perpormans ng mic ay maapektuhan ng kalidad ng iyong sound card. Ang isang digital mic ay isinasaksak sa USB port at hindi na dumadaan pa sa sound card, na s’yang magbibigay sa’yo ng mas magandang kalidad ng tunog.
- Desktop Microphone: 1. Ang isang desktop microphone ay nakalagay sa iyong lamesa. Marahil ang pinakamura na mic na pinakaginagamit sa LV ay ang Logitech USB desktop microphone (PN 980186-0403) na nagkakahalaga ng $30US – pinakasulit sa presyo!